Monthly Archives: October 2012

SRI in SMS: Text lessons on rice production by SRI Pilipinas

Due to insistent requests, I am posting the following series of lessons in Tagalog/Pilipino on the System of Rice Intensification (SRI). We send these lessons 5-18 SMS texts at a time to farmers who request them. Thus we are able to provide lessons to farmers who have no Internet, newspaper or television access.

1. World record sa palay harvest: 448 kaban sa isang ektarya

Balita! Noong Nov 2011 nakuha ng 5 ordinaryong rice farmers sa bansang India ang pinakamatataas na palay harvest kada ektarya sa buong mundo:

Sumant Kumar, 448 kaban (bagong world record sa palay harvest); Krishna Kumar, 440; Nitish Kumar, 392; Ramanand Singh, 384 kaban; at Sanjay Kumar, 380.

Lahat ng 5 ay gumamit ng SYSTEM OF RICE INTENSIFICATION (SRI), na natutuhan lang nila noong 2008. Matapos ang 3 taon, na-break na nila ang world record.

Para makumpirma ang report, inimbistiga ng mga awtoridad sa agrikultura ng India ang mga bukid ng lima. At pinatotohanan nila ang mga nareport na ani.

Ang lumang world record (380 kaban) ay hawak ng bantog na scientist si Yuan Longping, imbentor ng hybrid rice, na 40 taon nagresearch tungkol sa palay.

Ito ang kahulugan ng bagong world record sa palay harvest: Magsasaka, tinalo ang siyentista — ANG SRI AY MADALING MATUTUHAN NG MAGSASAKA

Tatlong taon lng, hindi dekada ang kinailangan ng mga magsasaka para makakuha ng napakatataas na ani — SA SRI, MABILIS ANG RESULTA.

Hindi lang isa kundi 5 magsasaka ang tumalo sa lumang world record–HINDI ITO TSAMBA, TOTOONG EPEKTIBO ANG SRI, MADALING MATUTUHAN AT MABILIS ANG RESULTA

Hinati ni Sumant Kumar ang kanyang bukid sa dalawa: sa isa, karaniwang sistema ang ginamit niya, sa kabila, sistemang SRI ang ginamit nya.

Sa karaniwang sistema, umani sya ng 130 kaban/ektarya. Sa sistemang SRI, umani siya ng 448 kaban/ektarya. Malinaw na mas epektibo ang SRI!

Sa mga susunod pang serye ng txt, ipaliliwanag namin ang SRI, para magamit din nyo ito sa inyong palayan. Libre ito. Walang mababawas sa load nyo.

Ang susunod na serye ay sa ITSURA NG PALAY NA MKPGBIBIGAY NG 22,400 KILONG BUTIL(448 kban) KADA EKTARYA, ang kailangang dami ng uhay at butil kada uhay.

Bago burahin yng mga naunang txt, pkikopya po sa notebook. Pwde n po b itext ang susunod n serye? Pkisend po 1 sa 3 sagot: “TXT PLS”/”HNDI PA”/”AYAW NA”
./sri.world_record.msg/

2. Ang itsura ng palay na pang-world record

Ano ang hitsura ng palay na magbibigay ng world record na 22,400 kilo sa isang ektarya? Ilang uhay dapat sa 1 puno, ilang butil sa 1 uhay?

Sa SRI, 25 cm ang dstansya sa bawat puno, o 4 na puno kada 1 metro, 16 na puno (4 x 4) kada metro kwadrado, at 160,000 puno (16 x 10,000) sa 1 ektarya.

Kung paghahati-hatian ang 22,400 kilo ng butil ng 160,000 puno ng palay (22,400 hinati sa 160,000), kailangang magbigay ang isang puno ng .14 kilo.

Dahil 1 kilo ang karaniwang bigat ng 40,000 butil, ang .14 kilo ay may 5,600 butil (.14 x 40,000). Bawat puno, kng gayon, ay dapat mgbunga ng 5,600 butil.

Ito ang mga kombinasyon ng uhay-kada-puno at butil-kada-uhay na magbibigay ng 5,600 butil: 56 uhay/100 butil; 50 uhay/112 butil; 40 uhay/140 butil;

35 uhay/160 butil; 32 uhay/175 butil; 28 uhay/200 butil; 25 uhay/224 butil; 20 uhay/280 butil; 16 uhay; 350 butil.

Ayon sa mga matagal nang gumagamit ng SRI, madaling makakita sa SRI ng 20, 30 hanggang 40 uhay at 150 hanggang 250 butil.

Ang hamon, para maabot ang world record, ay makuha ito di lamang sa iilang puno, kundi sa bawat isa sa 160,000 puno sa 1 ektarya. Mahirap pero pwde.

Ang susunod na serye ay tngkol sa ANIM NA PRINSIPYO NG SRI. Ang mga prinsipyong ito’y hndi nagbabago, kahit magbago ang lugar o kondisyon ng gamit ng SRI.

Bago burahin yng mga naunang txt, pkikopya po sa notebook. Pwde n po b itext ang susunod n serye? Pkisagot lng po: “TXT PLS”/”HNDI PA”/”AYAW NA”
./sri.phenotype.msg/

3. Anim na prinsipyo ng SRI

PRINSIPYO 1. Mglagay ng maraming kompost/organikong mteryal sa lupa. BAKIT:ibabalik ng kmpost ang mga organismong natural na nagbibigay-sustansya sa lupa.

PRINSIPYO 2. Huwag saktan ang punla. BAKIT: pag nasaktan o nasugatan ang punla, laluna pag nagsimula na itong magsuwi, hndi na sya magsusuwi ng marami.

PRINSIPYO 3. Ilipat ang punla ng maaga. BAKIT: Mas madali itong gumaling mula sa anumang pnsala saka mas mahaba ang panahon nya para magsuwi ng marami.

PRINSIPYO 4. Bigyan ang bawat puno sapat na espasyong solo nila. BAKIT: para makakuha bawat puno ng sapat na sustansiya, tubig, hangin at sinag ng araw.

PRINSIPYO 5. Kailangang makapasok sa lupa ang hangin. BAKIT: dahil kailangan ng mga organismo sa lupa at ng mga ugat ng halaman ang oxygen.

PRINSIPYO 6. Tulungang lumago at lumalim ang ugat ng palay. BAKIT: Kung manipis at mababaw ang ugat, hndi magsusuwi at mamumunga ng marami ang palay.

Dalawa ang epekto ng 6 na prinsipyong ito sa palay: DADAMI ANG SUWI, UHAY AT BUTIL NG PALAY; AT KAKAPAL AT LALALIM ANG MGA UGAT NITO. Importante pareho.

Kahit ilan lang sa 6 na prinsipyo ang masunod, mkakakita na ng magandang epekto sa palay. Mas maraming prnsipyo ang nasusunod, mas maganda ang epekto.

Pnkamaganda kung lahat ng prnsipyo ng SRI ay nasusunod, dahil bawat prnsipyo ay sumusuporta sa iba pa. Madaling sundin lahat, kng maliit muna ang pitak.

Ang 6 na prinsipyo ng SRI ay dapat magsilbing gabay sa iba’t ibang lugar at kondisyon, dahil ang 6 na ito ang esensiya ng SRI bilang isang sistema.

Ang susunod na serye ay ang SARI-SARING PRAKTIKA NG SRI. Ang mga praktikang ito ay maaaring magbago batay sa lugar, kondisyon at diskarte ng magsasaka.

Bago burahin yng mga txt, pkikopya po sa notebook. Itetxt na po b namin ang susunod n serye? Pumili ng 1 sa 3 sagot: “TXT PLS”/”HNDI PA”/”AYAW NA”
./sri.principles.msg/

4. Sari-saring praktika ng SRI

MGSIMULA SA PNKAMALIIT nyong pitak, 50-500 metro kwadrado lng (50-100 lng, kng walang kompost). Alamin muna mga problema sa SRI bago sumubok sa malaki.

1-2 buwan bago mgtanim, humingi/mg-ipon ng DAYAMI & SARI-SARING ORGANIKONG MATERYAL (DAHON,TAENG HAYOP, atbp), ikalat sa bukid, at araruhin para mabulok.

Pwde rng itambak mga bubulukin sa isang imbakan n may bubong at di nauulanan, para mailagay ang kmpost kng saan lng kailangan, hlimbawa, sa kama ng punla.

8-12 araw bago mgtanim, ibabad ang bnhi ng 24-48 oras at isabog sa kama nang MAS MADALANG SA NKAGAWIAN, para mas mdaling mghiwalay ang ugat ng mga punla.

Kng 2 dahon na ang punla (IDAD 8-12 ARAW), ilipat na ang mga ito; ang pglilipatang bukid ay HNDI DAPAT BAHA kundi MAPUTIK LNG, para madali itong markahan.

Ityempo ang pglilipat HABANG HNDI MAULAN. Gumawa ng kalaykay na may layong 25cm ang mga ngipin; mrkahan ang pglilipatang bukid ng mga kwadradong 25×25 cm.

Mgtanim ng ISANG PUNLA SA BAWAT KROSING ng mga kwdrado. Tiyaking ksama sa punla ang bahay-bnhi at putik sa ugat. Tpusin ang pgllipat sa loob ng 20 minuto.

Pgklipat, HWAG AGAD BAHAIN ANG BUKID, para di lumitaw ang kuhol. Gawing manaka-naka (INTERMITTENT) ang IRIGASYON; patuyuin 5-7 araw, bahain 2-3 araw.

MGLINIS MABUTI NG DAMO kada 7-10 araw, gamit ang kamay o rotary weeder. PAG MADAMO, MGLINIS AGAD!. Mglinis dn tuwing baha ang pitak at malambot ang lupa.

Ang weeder ay parang munting pison na itnutulak sa pgitan ng mga puno. May mga ngipin ang 2 o 3 gulong nito, para matumba ang damo at mabungkal ang lupa.

Mganda ang rsulta ng SRI kng 20 suwi (o sobra pa) ang namumunga sa bawat puno; bawat suwi ay may 100 butil (o sobra pa) = mahigit 2,000 butil kada puno.

Pwdeng hndi muna gawin ang hndi pa kayang hakbang (halimbawa ang kontrol sa tubig o rotary weeding). Pero MAS MARAMI SA SRI ANG NASUSUNOD, MAS MAGANDA.

Ang pnakaimportante, SUBUKAN NGAYON DN SA MALIIT NA PITAK (100-500 metro kwadrado), para makita. KUNG IPGPAPALIBAN, WALANG MATUTUTUHAN. SUBUKAN AGAD!

Kung plano nyong subukan ang SRI, itxt po sa amin: Gagawin ko ang SRI sa buwan ng____, sa ____metro kwdradong pitak sa bayan ng______, probnsya ng______.

Pwde po idownload mula sa Internet ang libreng SRI video. I-search lang “World Bank SRI video”. Pwde rn namin ipadala DVD sa inyo, P100 ang bayad.

Sa susunod na serye, iisa-isahin ang mga HAKBANG na gagawin sa SRI, mula land prep hanggang sa pagkontrol ng damo.
./sri.practices.msg/

5. Mga hakbang na gagawin sa SRI

Tapos na po ang mga lessons, kailangang isa-praktika na ito, at magtanim ng palay gamit ang SRI. Maglaan na ng maliit na pitak pantesting (trial plot).

Tama lang ang 50-500 sqm pantesting. (Kung nag-aaral lumangoy, sa mababaw na ilog muna, hndi sa malalim na dagat.) Balikan natin ang mga praktika ng SRI:

LAND PREP: Lagyan ang pitak ng maraming kompost o vermicast. Kasindami, kng maaari, ng inani sa pitak. Hlimbawa, 5 bag ng kompost kung 5 kaban ang inani.

LAND PREP: Pag nasuyod na ang lupa, mag-ispray ng IMO para mamatay ang mga buto ng damo at lumaki nang mabilis ang mga tumubo na. Tapos, suyurin ulit.

PAGPUPUNLA: Gumamit ng punlaan na 50% lupa, 50% kompost. Salain ang binhi sa tubig-alat. Yung mga lumubog lang ang ipunla. Itapon yung lumutang.

PAGPUPUNLA: Maglaan ng 50 gramong binhi kada 100 sqm na pglilipatan. Ipunla nang madalang: 1 metro kwdradong seed bed o seed trays kada 50 gramong binhi.

PAGTATANIM: Ilipat ang punla pag may 2 dahon na (8-12 araw). Kumuha ng punla gamit ang pala/kutsara ng kantero. Kapalan ang lupa para di tamaan mga ugat.

PAGTATANIM: Ihiwalay ang 1 punla (hndi 2 o 3, kundi ISA), kasama pa ang palay, lupa at putik sa ugat, at itanim sa distasyang 25 x 25 cm (10 pulgada).

PAGTATANIM: Ilipat ang punla parang baby na inililipat galing duyan papnta sa kama: hndi sya naistorbo, nagising o nsaktan at walang sugat, pilay o bali.

KADA 7-10 ARAW: Bahain ang lupa (2-3 araw) para mbulok ang damo, patuyuin ng mas mtagal (5-7 araw), para habulin ng mga ugat ang tubig sa ilalim ng lupa.

DI DAPAT MKABUWELO ANG DAMO. Pag tuyo ang lupa, mglalabasan ang damo. Bunutin/bungkalin agad sila, gamit ang kamay o weeder. Pgkatapos, magspray ng IMO.

Ang susunod na serye ay tungkol iba pang BENEPISYO SA MAGSASAKA ng System of Rice Intensification (SRI), bukod sa mataas na ani.
./sri.stepxstep.msg/

6. Mga benepisyo sa magsasaka

Alam na po natin na maitataas ng SRI ang ani sa palay. Noong Nobyembre 2011, ang pnkmataas na ani sa palay sa buong mundo ay naitala ng SRI sa India.

Matipid ang SRI sa binhi. Ang kailangan lng ay 5 kilong binhi kada ektarya, di tulad sa ibang sistemang gumagamit ng 20 kilo, 40, o sobra pa kada ektarya.

Matipid ang SRI sa tubig, Sa karanasan, 40-50% ng tubig ang matitipid, dahil sa SRI, hindi binabaha ng tuluy-tuloy ang bukid kundi pinatutuyo rin.

Matipid ang SRI sa abono dahil sa SRI, ang lupa ay pinatataba gamit ang mga binulok na organikong materyal (kompost), hindi ang komersiyal na abono.

Sa SRI, maaring mas maraming trabaho sa simula. Pero pag kabisado na ang sistema, menos trabaho rin sa SRI, ayon sa matagal ng gumagamit nito.

Ang mga puno ng palay na laking-SRI ay matitibay. Ang mga ugat ay malago at malalim. Kayat mas kaunti ang pnsala sa palay dulot ng bagyo, baha o tagtuyot.

Mas kaunti ang methane na sumisingaw sa bukid na hindi nkababad sa tubig ng tuluy-tuloy (tulad ng itinuturo sa SRI). Ang methane ay isang greenhouse gas.

Dahil mas kaunting methane ang nalilikha kung SRI ang gamit, ang SRI ay mkkatulong maiwasan ang pagbabago sa klima at pag-init ng mundo (global warming).

Ang SRI ay hndi binhi/variety, kundi paraan ng pg-aalaga kayat mas marami kang pgpipiliang binhi: malagkit, mabango, inbred,hybrid,fancy, may kulay, atbp.

Ang susunod na serye ay ang PAGGAWA NG KOMPOST mula sa organikong materyal. Kompost ang ginagamit sa SRI para tumaba nang husto ang lupa.
./sri.benefits.msg/

7. Gumawa ng kompost

GUMAWA NG KOMPOST (binulok na organikong materyal): Ito’y mayaman sa mga organismo sa lupa at mga itlog nila. Sila ang nagbibigay ng sustansya sa halaman.

Mag-ipon ng dayami (huwag sunugin!); haluan ng dahon, kusot, seaweeds (maganda!), tae ng hayop, at iba png organikong materyal. Takpan at hayaang mabulok.

Diligin ng regular. Ilang buwan lng, may kmpost k na. Kng sa bukid msmo bbulukin ang orgnikong materyal, ikalat ito 1 buwan bgo mgpunla, para mbulok muna.

GAANO KARAMI? Timbangin lahat ng inalis sa bukid (hal. 2000 kg palay + 500 kg gulay). Gnito karami dn, kng pwde, ang ilagay na kmpost (sa hal. 2,500 kg).

Sa abonong kemikal, may overdose; sa kmpost, wala. Mas marami, mas mganda. Kng kulang sa kmpost, liitan ang trial. Kng walang kmpost, kahit 50-100sqm lng.

Ang pnakamagandang pataba sa lahat ay ang dumi ng bulate (vermicast). Ito’y mayaman sa mabubuting mikrobyo, NPK, at micronutrients na maganda sa halaman.

Kng bibili dn lng ng abono, vermicast ang bilhin. Mas mbuti, mg-aral ng vermiculture, para mkagawa ng sariling vermicast. Huwag haluan ng abonong kemikal.

Sa susunod na serye, ipaliliwanag namin kung bakit mas maganda ang KOMPOST kaysa ABONONG KEMIKAL, at kung bakit hndi dapat paghaluin ang dalawa.
./sri.kompost.msg/

8. Ang diperensya ng kompost sa abonong kemikal

Ang diperensya ng KOMPOST sa ABONONG KEMIKAL: UNA, ang kompost ay maaring gawin ng magsasaka; ang abonong kemikal ay bibilhin (o uutangin) pa;

IKALAWA, habang tumatagal, tumataba at gumaganda ang lupa sa kompost; umaasim at nasisira ang lupa sa abonong kemikal;

IKATLO, ang mga tanim na pinalaki sa kompost ay puno ng sustansya; ang pinalaki sa kemikal ay kulang na sa sustansiya, may dala pang sakit.

Ang KOMPOST ay tinatawag ding ORGANIC FERTILIZER. Kahit kulang sa kompost, huwag itong haluan ng abonong kemikal. Masasayang ang ating kompost!

Masustansya ang kompost dahil sa dami ng dala nitong mga organismo sa lupa at itlog nila: mga mikrobyo, nitrogen-fixing bacteria, amag, lumot, lebadura,

kutong-lupa, hanip, alupihan, palasingsingan, langgam, anay, bulate, atbp. Pgkain nila ang organikong materyal, lason sa kanila ang abonong kmikal.

Hndi lang NPK at iba pang sustansya at micronutrients ang ibinibigay ng kompost. Ibabalik din nito sa lupa ang mga organismong pinatay ng abonong kemikal.

Masama ang abonong kemikal (purong NPK) sa mga organismong ito, kayat huwag haluan ng abonong kemikal ang kompost.

Pag hinaluan ng kemikal ang kompost, ang mga dala-dala nitong organismo at itlog nila ay malalason at mamamatay. HUWAG HALUAN NG KEMIKAL ANG KOMPOST!

CONGRATULATIONS! Tapos na po ang SRI lessons natin. Ang susunod na serye ay ang KOREAN NATURAL FARMING SYSTEM, mga pndilig sa bukid na mgagawa sa bahay.

Sa susunod n serye, ang una sa KNFS, ituturo kng PAANO MAGPARAMI NG INDIGENOUS MICROORGANISMS (IMO), mga katutubong mkrobyo sa lupa na mganda sa halaman.
./sri.komp_vs_npk.msg/

9. Magparami ng indigenous microorganisms (IMO)

MAGPARAMI NG INDIGENOUS MICROORGANISMS (IMO): Magsaing sa palayok ng 1-kilo bigas. Palamigin. Takpan ang bibig ng palayok ng tela/papel.

Talian ng goma, para hndi pasukin ng insekto. Ipwesto ang palayok sa mga nabubulok na dahon sa lilim ng mga puno o kawayanan (d best sa gubat).

Pagkaraan ng 3 araw, kung marami nang puting amag sa kanin, iuwi ang palayok. Haluan ng 1-kilo pulot o pulang asukal (walang halong tubig).

Takpan ng bagong tela/papel, talian ulit ng goma. Huwag higpitan ang takip, para mkasingaw! Itabi ng 7 araw sa madilim at malamig na lugar para maburo

(fermentation, tulad ng paggawa ng suka) hanggang mgmukhang putik. Ito ang IMO. Para gamitin, magtimpla ng 2 kutsara nito kada litro ng tubig.

I-spray ito sa kompost, para mas mbilis mabulok; sa kulungan ng manok at baboy, para mwala ang amoy ng dumi; foliar fertlizer sa palay at iba png halaman.

Pwde ring pangkntrol sa peste/sakit; ispray sa na-weeder na damo,para mabulok agad ito; sa kuhol, para lumambot ang kanilang shells.

Maraming klase ng IMO, kung papalitan ang kanin ng ibang lahok: kung mga lamang-isda, magiging FAA (fish amino acid), na mayaman sa nitroheno.

Kung mga prutas (puwedeng sobra sa hinog, hwag lng bulok), magiging FFJ (fermented fruit juice), na pmpatamis sa namumunga.

Kung talbos ng kngkong, kamote o alugbati o katawan ng saging na saba, magiging fermented plant juice (FPJ), na nagpapabilis sa paglaki ng mga halaman.

Ang susunod na serye: FISH AMINO ACID (FAA), para sa dagdag na nitroheno.
./sri.imo.msg/

10. Gumawa ng Fish Amino Acid (FAA)

Ang Fish Amino Acid (FAA) ay ginagamit na pamparami ng nitroheno sa lupa. Maaari itong i-spray o idilig sa halaman, sa kompost, at sa lupa.

Mag-ipon ng parte isda (tinik, bituka, hasang at balat) o suso. Timbangin. Ilagay sa banga o timba. Haluan ng kasimbigat na pulot o pulang asukal.

Takpan ang lalagyan at talian. Ilagay sa malamig/madilim na lugar. Hayaang maburo ng 10 araw. Ang makukuhang katas ay ang Fish Amino Acid (FAA).

Para gamitin, ihalo ang 2 kutsara ng FAA sa 1 litrong tubig. I-spray o idilig sa halaman, kompost, at lupa. Magbibigay ito ng nitroheno sa halaman.

Ang susunod na serye ay tungkol sa FERMENTED PLANT JUICE (FPJ), na tumutulong sa photosynthesis at para lumaki nang mas mabilis ang halaman
./sri.faa.msg/

11. Gumawa ng Fermented Plant Juice (FPJ)

Fermented Plant Juice (FPJ): mas mabilis dumami ang IMO, mas mabilis lumaki ang halaman, at nagiging mas berde ang mga dahon (mabuti sa photosynthesis).

Kumuha: 2 kilong talbos ng kamote, kangkong o alugbati, labong, o dumalagang saba. Tadtarin. Haluan ng 1 kilong pulang asukal. Iwan sa palayok ng 1 araw.

Takpan ng malinis na papel at talian. Matapos maburo ng 7 araw, pwde nang gamitin ang FPJ, 2 kutsara ng katas sa 1 litrong tubig, pndilig sa lupa at dahon.

Ang FPJ ay mayaman sa growth hormones mula sa halamang mabilis lumaki. Nakakatulong ito sa mabilis na paglago ng halaman. Nakapagpaparami din ito ng IMO.

Ang susunod na serye ay tungkol sa FERMENTED FRUIT JUICE (FFJ), na ginagamit pampatamis ng mga bunga.
./sri.fpj.msg/

12. Gumawa ng Fermented Fruit Juice (FPJ)

Ang Fermented Fruit Juice (FFJ) ay nagbibigay ng dagdag na potassium sa halaman at ginagamit na pampatamis sa prutas ng mga bungang-kahoy.

Kumuha ng 1 kilong hinog na prutas (puwera balat at buto). Puwede ang mangga, saging, papaya, abokado, o magulang na kalabasa.

Talupan, tadtarin, at ilagay sa banga. Huwag gumamit ng plastik o aluminum. Haluan ng 1 kilong pulot o pulang asukal.

Takpan ng malinis na tela o papel. Talian. Ilagay sa malamig/madilim na lugar. Hayaang maburo ng 7 araw. Ang makukuhang katas ay ang Fermented Fruit Juice.

Magtimpla ng pandilig: ihalo ang 2 kutsarang FFJ sa 1 litrong tubig. Ipandilig sa mga dahon at ugat. Kung malinis ang pagkakagawa, puwede ring inumin.

Ang susunod na serye ay tungkol sa ORIENTAL HERBAL NUTRIENTS (OHN), na ginagamit na pampalusog at pangkontra sa sari-saring sakit.
./sri.ffj.msg/

13. Gumawa ng Oriental Herbal Nutrient (OHN)

OHN: Magtadtad ng 5 kg luya o bawang. Ilagay sa garapon. Lagyan ng beer hanggang sa 1/3 ng garapon. Pagkaraan ng 12 oras, maglagay ng 1 kg pulang asukal.

Hayaang maburo ng 4-5 araw. Punuin ang garapon ng gin hanggang leeg. Tkpan at talian. Mghintay ng 10 araw. Kumuha ng sabaw na kasindami ng nilagay na gin.

Gawin ng 5 beses ang pglalagay ng gin / pgkuha ng sabaw. Sa ika-4 at ika-5 ulit, samahan ang gin ng dnikdik na sili, panyawan (mkabuhay), at

bunga ng neem. para tumapang ang timpla ng OHN. Para magtimpla ng pandilig: ihalo ang 2 kutsara ng OHN sa 1 litrong tubig.

Pwdeng ipandilig ang tinimpla sa lupa at dahon ng halaman, kasama ang IMO, FPJ at FFJ, kada linggo, pag nanghihina ang tanim, o pag mamumulaklak na ito.

Ang susunod na serye ay tungkol sa PAGGAWA NG CALCIUM PHOSPHATE, na ginagamit pampabulaklak, at CALCIUM, na ginagamit naman pampatatag sa bulaklak.
./sri.ohn.msg/

14. Gumawa ng Calcium at Calcium Phosphate

Ang CALCIUM PHOSPHATE ay ginagamit pampabulaklak. Magpakulo sa tubig ng 2 kilong buto ng hayop hanggang sa maalis ang laman at taba. Patuyuin pagkatapos.

Iihaw ang buto hanggang sa mag-kulay uling. Palamigin pagkatapos.

Ilagay sa banga o timba. Lagyan ng 5 galon na sukang natural (galing sa niyog, tubo, saging, sasa, atbp.), hindi synthetic. Takpan at itabi ng 30 araw.

Timpla: ihalo ang 2 kutsarang katas sa 1 litrong tubig. Idilig sa halaman, lupa at kompost.

Kung ang CALCIUM PHOSPHATE ay pampabulaklak, ang CALCIUM naman ay pmpatatag sa mga bulaklak ng halaman. Ganito gumawa ng CALCIUM na png-ispray o pandilig:

Magprito ng 2 kilong balat ng itlog hanggang mangitim. Palamigin. Ilagay sa banga o timba. Dagdagan ng 5 galon na sukang niyog (walang kulay).

Takpan. Itabi ng 20 araw. Timpla: ihalo ang 2 kutsarang katas sa 1 litrong tubig. Idilig o iispray sa halaman, lupa at kompost.

Sa susunod na serye, malalaman kung kailan ginagamit ang IMO, FPJ, OHN, FAA, calcium at calcium phosphate ang iba pang lahok ng NFS.
./sri.calcium.msg/

15. Kailan ginagamit ang iba’t ibang lahok ng NFS

Bawat halaman ay dumadaan sa paglaki (growth stage) at pamumunga (reproductive stage). Sa pagitan ay ang changeover period, pag malapit nang mamumulaklak.

Sa paglaki, magspray kada linggo ng IMO, FPJ, OHN at FAA. Kung mukhang nasobrahan sa nitroheno ang halaman, magspray ng calcium phosphate.

Sa pagitan, magspray kada linggo ng IMO, FPJ, OHN, calcium phosphate at calcium. Kung mabagal ang paglaki, magspray ng FAA.

Sa pagitan, pinakaimportanteng sustansiya ang calcium phosphate (calphos) para sa pamumulaklak at ang calcium para maging prutas ang bulaklak.

Sa pamumunga, magspray kada linggo ng IMO, FPJ, OHN, calphos at calcium. Mgspray din ng FFJ para tumamis ang mga bunga at ng FAA kung mabagal ang paglaki.

Habang gumaganda at tumataba ang lupa, maaaring mas madalang na ang pagspray ng mga ito.

Ang susunod na serye ay tungkol sa LACTIC ACID BACTERIA SERUM (LAS), na ginagamit pangkontra sa mga sakit na galing sa amag at virus.
./sri.nfs_sked.msg/

16. Gumawa ng Lactic Acid Bacteria Serum (LAS)

Ang LACTIC ACID BACTERIA SERUM (LAS) ay ginagamit pangkontra sa sakit na galing sa amag at virus.

Ipunin ang pinaghugasan ng bigas (na puno ng mikrobyo) sa isang timba o banga.

Paabutin sa 7” pulgada ang taas ng pinaghugasang tubig. Itabi ang banga sa malamig/madilim na lugar.

Pagkatapos ng 7 araw, alisin ang lumutang na latak. Itira lang ang tubig.

Ilipat ang tubig sa isa pang lalagyan. Haluan ng gatas, na 10 ulit ang dami kaysa tubig.

Takpan ng malinis na papel. Talian. Pagkatapos ng 7 araw, lulutang ang taba (mula sa gatas) at magkukulay-dilaw ang tubig.

Kunin ang dilaw na tubig. Haluan ito ng kasindaming pulang asukal. Itabi ng 7 araw sa malamig/madilim na lugar. Dito makukuha ang LAS.

Timpla: ihalo ang 2 kutsara ng LAS sa 1 litrong tubig. Pwdeng ipainom sa hayop, iispray sa kulungan para maalis ang amoy, o idilig sa halaman at sa kmpost.

Ang susunod na serye ay tungkol sa CARBONIZED RICE HULL(CRH) o INULING NA IPA, pandagdag ng micronutrients at pampaganda sa istruktura ng lupa.
./sri.las.msg/

17. Gumawa ng Carbonized Rice Hull (CRH) o Inuling na Ipa

Ang CARBONIZED RICE HULL (CRH) o INULING NA IPA ay nagdadagdag ng micronutrients at nagpapaganda sa istruktura ng lupa. Tulad ito ng paggawa ng uling.

Gumawa ng CARBONIZER mula sa karaniwang lata ng gaas o biscuit (18 liters), pwedeng kwadrado (23 x 23 x 34 cm) o bilog. Alisin ang ibabaw (top) ng lata.

Sa ilalim ng lata, gumawa ng bilog na butas, 10 cm ang lapad (diameter). Sa paligid ng lata, gumawa ng maraming mliliit na butas (na hndi kasya ang ipa).

Gawing 2.5 cm ang distansya ng mga butas sa isa’t isa, o 500 butas lahat sa paligit ng lata. Ang mga butas na ito’y dadaanan ng hangin (hindi ng ipa).

Gumupit ng #24 GI sheet na 31.4 cm ang lapad at 2 meters ang haba. Irolyo ito nang pahaba para magkorteng tubo na 10 cm ang lapad at 2 metro ang haba.

Talian ng mga alambre ang tubo ng yero para hindi ito bumuka. Isusuot ang tubong ito sa 10-cm na butas sa lata, para makalabas ang usok ng pag-uuling.

Tiyaking 5-8 cm lang ng tsimineya (mahabang tubo) ang nakasuot sa lata, at mahigpit ang pagkakasuot nito sa butas para hindi ito dumausdos pababa.

Sa patag na sahig na lupa o semento, magsimula ng apoy mula sa tuyong kahoy o bao. Ipatong ang carbonizer sa apoy. Magtambak ng ipa sa ibabaw ng lata.

Tambakan ng ipa ang lata hanggang sa matakpan ito nang husto. Pwedeng magtambak ng hanggang sa 50 sako ng ipa. Ang usok ay dapat lumabas sa tsimineya.

Kung malakas ang hangin, lagyan ng mas maraming ipa ang tinatamaan ng hangin dahil mas mabilis magiging uling ang parteng ito.

Tandaan: dapat mamatay ang apoy, para mainit na baga lang ang matira. Kung apoy at hindi baga ang mananaig sa loob, ang ipa’y magiging abo, hindi uling.

Yung mga ipa sa ilalim ng tambak ang pinakahuling magiging uling. Palahin ang mga ito sa tuwi-tuwina at ilagay sa bandang itaas ng tambak.

Magtakip ng panyo sa ilong at bibig habang gumagawa ng CRH, dahil hindi maganda sa kalusugan kung tuluy-tuloy na lumalanghap ng usok nito.

Kung naging uling na ang 90% ng ipa, alisin na ang carbonizer at nagbabagang kahoy/bao sa gitna. Iwasang sumiklab ang apoy para hindi maging abo ang ipa.

Ayusin ang tambak ng 90% uling at 10% ipa para magkorteng bundok ulit at magluto ang natitirang ipa hanggang maging uling din.

Wisikan ng tubig ang CRH para unti-unting mamatay ang mga baga, bumaba ang temperatura nito, tumigil na ang pagluluto, at hindi maging abo ang uling.

Hintaying bumalik ang temperatura ng tambak sa normal at matuyo ang idinilig na tubig, bago gamitin ang CRH o ilagay ito sa mga sako.

Ang susunod na serye ay tungkol sa paggawa ng BOKASHI, isang klase ng organikong pataba na ginagamit ng maraming magsasaka sa Japan.
./sri.crh.msg/

18. Gumawa ng Bokashi

Gumawa ng BOKASHI, isang magandang klase ng organikong pataba na unang ginamit sa Japan. Ang prosesong ginagamit ay pagbuburo (tulad ng paggawa ng suka).

Materyales para sa paggawa ng 30 sakong BOKASHI (pwede sa 1 ektarya): 12 sako, tuyong dumi ng hayop; 10 sako, inuling na ipa (CRH); 8 sako, matabang lupa;

Karagdagang materyales: 4 sako, darak; 4 kilo, pulang asukal o pulot; 3.5 litro, tuba; .15 litro (16 kutsara), FPJ o FAA; .15 litro (16 kutsara), IMO.

Pumili ng nasisilungang lugar na di binabaha kung umuulan. Maglagay ng bubong at kanal sa paligid, kung kailangan. Mas mabuti kung sementado ang sahig.

Mas mabuti rin kung ang lugar ay malapit sa bahay, para madaling bantayan, at di mapuntahan ng mga hayop. Pgsama-samahin lahat ng materyales. Haluin ito.

Habang hinahalo, diligan ng kaunting tubig na may halong tuba. Kung may tubig na tumulo pag piniga ang halo, sobra na ang tubig. Itigil na ang pagdidilig.

Haluing mabuti. Palahin ang ilalim at ibunton sa tuktok ng tambak, para magkorteng bundok ito. Takpan ng sako. Haluin ang tambak araw-araw.

Sa unang 7 araw, kung hndi matiis ang init ng tambak pag ipinasok ang kamay dito, haluin nang 2 ulit sa isang araw, para mabawasan ang init ng tambak.

Sa ika-7 araw, diligan ang tambak para mabasa ulit ito. Titigil ang proseso ng pgbuburo kng kulang sa tubig. Pero masisira ang bokashi kung sobrang tubig.

Sa ika 8-14 araw, kung di na mainit sa kamay ang tambak, hndi na ito kailangang haluin. Takpan na lang ito habang hinihintay na matapos ang pagbuburo.

Mtapos ang 14 araw, pwde nang gmitin ang bokashi. Haluang muli ng kasindaming lupa, bago gamitin sa bukid. Organikong pataba ito, kayat walang overdose.

Ang susunod na serye ay tungkol sa paggawa ng ORGANIC PESTICIDES para makontrol ang mga peste sa halaman.
./sri.bokashi.msg/

19. Gumawa ng organic pesticides

Ang mga sumusunod na ORGANIC PESTICIDES ay ginagamit ng mga trainers namin. Maaaring ipalit ang ibang sangkap, depende sa makukuhang lokal na materyal.

Ang mga organic spray ay madalas binubuo ng dalawang bahagi: a) ang mga pinagmumulan ng aktibong sangkap, at ang likidong pantunaw sa aktibong sangkap.

Mga karaniwang pnagmumulan ng aktibong sangkap: siling labuyo; tubli; dahon ng tabako, neem, kakawate; katawan ng makabuhay; laman ng nami; bawang; atbp.

Mga karaniwang pantunaw sa aktibong sangkap: OHN, alcohol, langis, mantika, tubig na may sabon, o iba pang likido na makatutunaw sa aktibong sangkap.

ORGANIC FOLIAR PESTICIDE: Mag-ipon sa 1 sako ng 3-4 kilo ng tae ng kambing, at tig-1 kilo ng dahon ng kakawate, dahon ng neem, at katawan ng makabuhay.

Ibabad ang sako ng mga sangkap sa 1 dram ng tubig. Pagkatapos ng 3 araw, pwde nang ispray ang tubig sa dram sa mga parteng apektado ng peste.

ORGANIC SPRAY KONTRA TUNGRO: Magdikdik hanggang maging pino ng 4 na bilog ng bawang at 4 na bilog ng sibuyas habang ihinahalo ang 4 na kutsarang mantika.

Hndi lulutuin ang lahok. Pag pinung-pino na, ihalo sa 16 litrong tubig. Ispray sa parteng apektado ng tungro.

ORGANIC SPRAY KONTRA ATANGYA. Mag-ipon ng dahon ng tabako, bunga ng siling labuyo, at dinikdik na katawan ng makabuhay (isang baging).

Ibabad muna ang ugat ng tubli ng 7 oras sa putik, bago gamitin, para lumambot ito at maglabas ng katas.

Ibabad ang mga pinagsama-samang sangkap ng 24 oras sa 16 litro ng tubig. Ispray ang pinagbabarang tubig sa mga atangya.

Sa mga sakit na dala ng FUNGUS (tulad ng leafblight), pwdeng gamiting pang-ispray ang IMO at ang organic spray kontra tungro.

CONGRATULATIONS! Natapos nyo na ang mga serye ng SRI at KNFS, na tinatawag ding ORGANIC SRI. Isa na lng ang kailangan para mkumpleto ang inyong pag-aaral.

Ang huling parte ng inyong pag-aaral ay ang praktikum: subukan ang SRI sa isang trial plot. Kung ito ang unang subok nyo, mgtesting muna sa 100-500 sqm.

Sa inyong PRAKTIKUM, patuloy po kaming mgbibigay ng payo sa txt. Pwde pong malaman kung anong buwan nyo planong subukan ang SRI?
./sri.org_pest.msg/

20. Praktikum: step by step

Tapos na po ang mga lessons, kailangang isa-praktika na ito, at magtanim ng palay gamit ang SRI. Maglaan na ng maliit na pitak pantesting (trial plot).

Tama lang ang 50-500 sqm pantesting. (Kung nag-aaral lumangoy, sa mababaw na ilog muna, hndi sa malalim na dagat.) Balikan natin ang mga praktika ng SRI:

LAND PREP: Lagyan ang pitak ng maraming kompost o vermicast. Kasindami, kng maaari, ng inani sa pitak. Hlimbawa, 5 bag ng kompost kung 5 kaban ang inani.

LAND PREP: Pag nasuyod na ang lupa, mag-ispray ng IMO para mamatay ang mga buto ng damo at lumaki nang mabilis ang mga tumubo na. Tapos, suyurin ulit.

PAGPUPUNLA: Gumamit ng punlaan na 50% lupa, 50% kompost. Salain ang binhi sa tubig-alat. Yung mga lumubog lang ang ipunla. Itapon yung lumutang.

PAGPUPUNLA: Maglaan ng 50 gramong binhi kada 100 sqm na pglilipatan. Ipunla nang madalang: 1 metro kwdradong seed bed o seed trays kada 50 gramong binhi.

PAGTATANIM: Ilipat ang punla pag may 2 dahon na (8-12 araw). Kumuha ng punla gamit ang pala/kutsara ng kantero. Kapalan ang lupa para di tamaan mga ugat.

PAGTATANIM: Ihiwalay ang 1 punla (hndi 2 o 3, kundi ISA), kasama pa ang palay, lupa at putik sa ugat, at itanim sa distasyang 25 x 25 cm (10 pulgada).

PAGTATANIM: Ilipat ang punla parang baby na inililipat galing duyan papnta sa kama: hndi sya naistorbo, nagising o nsaktan at walang sugat, pilay o bali.

KADA 7-10 ARAW: Bahain ang lupa (2-3 araw) para mbulok ang damo, patuyuin ng mas mtagal (5-7 araw), para habulin ng mga ugat ang tubig sa ilalim ng lupa.

DI DAPAT MKABUWELO ANG DAMO. Pag tuyo ang lupa, mglalabasan ang damo. Bunutin/bungkalin agad sila, gamit ang kamay o weeder. Pgkatapos, magspray ng IMO.

Kung gsto ng patuloy naming payo at teknikal na suporta, itext sa amin ang petsa ng pagpupunla nyo para sa SRI trial. Mgtxt kng may problema. Good luck!
./sri.praktikum.msg/